2 sundalo patay sa pananambang sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2019 08:12 PM

Patay ang dalawang sundalo matapos tambangan sa bayan ng Las Navas, Northern Samar Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga sundalong sina Cpl. Robert Bueno at Private 1st Class Ronel Labid.

Ayon sa ulat ng military, nagsasagawa ng clearing at security route ang mga sundalo nang tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng New People's Army.

Samantala, sugatan naman si Private 1st Class Renan Antojado matapos paputukan ng 5 rebelde alas-10:20 ng umaga Lunes sa Barangay Literon, bayan ng Calbiga, Samar.

Nagpapahinga ang mga sundalo sa gilid ng isang ilog nang paputukan ng mga rebelde.

Patuloy na tinutugis ang mga rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.