Emergency loan inilunsad ng GSIS

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 04:54 PM | Updated as of Apr 14 2020 07:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naglunsad ng emergency loan service ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa lahat ng kawani ng gobyerno sa buong bansa.

Nasa P20,000 ang halaga ng emergency loan na maaaring makuha ng GSIS members, kasali rin ang mga pensioner.

Anim na porsiyento ang interes na babayaran ng miyembro sa loob nang 3 taon, ayon kay GSIS Executive Vice President Nora Malubay.

Ayon kay Malubay, puwedeng mag-apply sa mga bukas na GSIS kiosk o sa internet (online).

Samantala, ilulunsad ng Social Security System (SSS) ang kanilang calamity loan para sa lahat ng mga miyembro sa buong bansa simula Abril 24.

Hanggang P20,000 ang calamity looan ng SSS, na bukas s alahat ng miyembro na updated ang hulog hanggang Mayo 2019.

Online ang aplikasyon ng calamity loan na makikita sa website ng SSS, ayon sa tagapagsalita ng ahensiya na si Fernan Nicolas.

Hinikayat ng SSS ang mga miyembro na magbukas na ng account sa kanilang website para mai-file na agad ang calamity loan pagsapit ng Abril 24.

Sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund naman, umabot na sa lagpas P600 milyon ang naipautang sa higit 31,000 miyembro na nag-avail ng calamity at multi-purpose loans.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.