Ilang parte ng Metro Manila at Bulacan, inulan

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 12:35 AM

MANILA—Umulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan bandang alas-6 Sabado ng gabi.

Video kuha ni Cedrick Basco

Sa video na kuha ni Cedrick Basco, kita ang malakas na buhos ng ulan sa mga bahay sa Marilao, Bulacan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang ulan ay dulot ng localized thunderstorms. 

Umulan din sa iba pang munisipalidad ng Bulacan gaya ng Obando at Meycauayan. Sa Metro Manila naman, naranasan ito sa Caloocan at Valenzuela.