Failon Ngayon: Rehabilitasyon o reklamasyon? Ika-2 yugto

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 12:00 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Taong 2006 idineklara na ng DENR bilang isa sa key biodiversity areas ng bansa ang karagatan ng Manila Bay. Dalawang taon ang nakalipas, naglabas naman ng desisyon ang Korte Suprema na linisin ang Manila Bay dahil sa kapabayaan ng iba’t ibang sektor na pangalagaan ito.

Pero hindi pa naman huli ang lahat kahit dalawang dekada na ang lumipas. Unti-unti, sa mga ginagawang pagpapasara ng mga establisyimento na lumalabag sa batas at sunod-sunod na clean-up may nakikita namang pagbabago sa kalidad ng tubig nito. 

May kanya-kanyang toka ang bawat isa gaya ng sa mga lokal na pamahalaan. Pero ang toka ng mga water concessionaires na sewerage treatment plant (o STP) para saluhin ang mga maruming tubig, hindi pa nila kumpletong nagagawa. 

Paano rin mangyayari ang lahat ng magandang adhikain kung balak namang magtayo ng halos 9,000 ektaryang reclamation projects sa mga baybayin ng Manila Bay? Isa na nga rito ang tuloy na tuloy na ang pagtatayo at 5 ang may environmental compliance certificates na. Pero ang mga Pilipinong siyentipiko ay may mga babala sa maaaring mangyaring mga sakuna sakaling magtambak ng lupa sa Manila Bay at patayuan ng nagtataasang gusali. Tulad ng land subsidence o pagbaba ng lupa, storm surge at mga pagbaha. 

Sa kalagayan ng Manila Bay ngayon, kung ikaw ang tatanungin, saan ka papabor? Sa raehabilitasyon o reklamasyon ng Manila Bay?

___

FAILON NGAYON, Sabado alas-11 ng gabi pagkatapos ng Pinoy Brother Otso sa ABS-CBN! 

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph