Lolo tiklo sa pambubugaw umano sa menor de edad sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2019 01:42 PM

ILIGAN CITY - Huli sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod na ito Biyernes ng gabi ang isang 66 anyos na lalaki na umano’y nambubugaw sa isang menor de edad at ilan pang mga babae sa mga naghahanap ng pansamantalang aliw.

Sa cellphone lang umano ang transaksyon ng suspek sa kaniyang mga parokyano at mga babaeng ibinubugaw.

Nasa P500 ang napupunta sa suspek sa bawat transaksyon, ayon kay NBI Iligan Chief Abdul Jamal Dimaporo.

Matapos magkasundo sa bayaran, pinapapunta umano ng suspek ang mga babaeng ibinubugaw sa drive-in motel kung saan naghihintay ang kostumer.

Nasagip ng NBI ang menor de edad, kabilang ang apat pang mga babae.

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Anti-Human Trafficking Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.