2,000 staff ng Red Cross, ipakakalat para sa Semana Santa

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2019 12:57 AM

MAYNILA - Nasa 2,000 staff ng Philippine Red Cross at 150 na ambulansya ang ipakakalat nationwide para sa mga mangangailangan ng first aid sa nalalapit na Semana Santa.

Ayon sa Red Cross, bukod dito, may welfare desks at emergency vehicles din silang nakapuwesto sa bus terminals, mga pantalan, highway, simbahan at iba pang pampublikong lugar.

Buong Holy Week magbibigay serbisyo ang mga ito sa publiko.

Paalala naman ng Red Cross sa mga motorista, mag-seatbelt o helmet para sa mga nakasakay sa motorsiklo, huwag magtext habang nagmamaneho, huwag magmaneho kung nakainom, at siguruhing nasa maayos na kondisyon ang sasakyan.

Bukas 24/7 ang 143 hotline ng Red Cross.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.