ALAMIN: Paglabas ng bansa kahit may kaso, posible ba?

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2019 04:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kamakailan ay naging viral ang kuwento ng isang netizen kung paano niya umano nalusutan ang mga awtoridad sa paliparan at nakapuslit palabas ng bansa noong 2018 sa kabila ng umano'y tatlong arrest warrant. 

Sa kuwento ni Xian Gaza, bumili umano siya ng tiket para sa 2 decoy flights at hinintay na magsara ang check-in counter bago nag-check-in para sa flight patungong Hong Kong. 

Ayon naman kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, kasinungalingan ang kuwento ni Gaza dahil malaya naman daw talaga itong bumiyahe dahil wala siyang hold departure order (HDO).

Sabi din ng abogadong si Noel Del Prado, maaari namang umalis ng bansa ang isang taong may kaso sa korte kung hindi pa ito naiisyuhan ng HDO at arrest warrant. 

"Korte ang nag-iisyu ng arrest warrant. Dito malinaw na wala naman pala. Hindi naman automatic na ikaw ay nakasuhan. Karaniwang nasa discretion ng korte na ikaw ay bigyan ng HDO," aniya sa "Usapang de Campanilla." 

Ibig sabihin, ayon kay Del Prado, maaari namang umalis ng bansa si Gaza sapagkat wala namang HDO o arrest warrant na naihain laban sa kaniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.