Batangas City nagsagawa ng malawakang disinfection kontra COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 10:15 PM | Updated as of Apr 11 2020 02:21 AM

Nagsagawa ng malawakang disinfection sa mga kalsada ng lungsod ng Batangas noong Huwebes bilang hakbang kontra sa pagkalat ng COVID-19.

Maghapong nilinis ng city sanitation team ang kahabaan ng mga kalsadang P. Burgos, MH Del Pilar, Evangelista, Rizal Ave., at iba pang kalye.

 

Base sa huling update na inilabas alas-4 ng hapon nitong Biyernes, nasa 60 na ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsiya, ayon sa Department of Health.

Hanggang noong Miyerkoles, nasa 13 ang positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod, base sa tala ng Batangas City health office.

Mayroon namang 58 na patients under investigation, habang 928 ang under monitoring sa naturang pulmonary disease. — Ulat ni Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.