Misis at kalaguyo, huli ni mister sa hotel sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 02:31 AM | Updated as of Apr 10 2019 05:47 AM

MAYNILA (UPDATE) - Arestado ang isang misis at kaniyang kalaguyo na barangay chairman sa isang hotel sa Nueva Ecija Martes ng umaga.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City police, nasundan ang babae ng kaniyang mister habang sakay ng bus.

Pumuwesto ang kaniyang mister sa likuran habang rinig nito na makikipagkita ang asawa sa kalaguyo sa isang hotel.

Nang makumpirma na nasa loob ng hotel ang dalawa, tumawag ng mga pulis ang kaniyang mister.

Inabutang hubad pa ang babae habang tumakbo sa CR ang lalaki nang pasukin ng mga pulis alas-11:35 ng umaga.

Sinampahan ng kasong adultery ang mga suspek. - Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.