Babae nagsilang ng kambal habang nasa pump boat sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 07:51 PM | Updated as of Apr 10 2019 08:12 PM


CALBAYOG CITY, Samar - Ligtas na nagsilang ng dalawang sanggol habang nasa pump boat ang isang babaeng residente ng Sto. Niño, Samar noong Abril 3.

Agad nakaresponde sa panganganak ng babae ang mga kasapi ng emergency medical services ng Calbayog City Fire Station. 

Nasa pantalan na sa Calbayog City ang bangkang sinasakyan ng babae nang nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang buntis.

Sa tulong ng mga bombero, nagsilang ng lalaki at babae na sanggol ang ina, na hindi alam na kambal pala ang kaniyang dinadala. 

Dinala na sa Calbayog District Hospital ang babae at ang kaniyang mga anak upang masuri at maalagaan ng mga doktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.