Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lagpas 4,000 na

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2020 05:15 PM | Updated as of Apr 09 2020 05:25 PM

Lumagpas na sa 4,000 ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa bagong coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, pahayag ngayong Huwebes ng Department of Health (DOH).

Nasa 4,076 na ang bilang ng mga taong may COVID-19 matapos makapagtala ng 206 bagong kaso ang DOH.

Umabot naman sa 124 ang gumaling sa malapulmonyang sakit, ayon sa DOH, matapos makapagtala ng 28 bagong paggaling.

Nakapagtala rin ang kagawaran ng 21 bagong pagkamatay para sa kabuuang 203 nasawi mula sa sakit.

Isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine hanggang katapusan ng Abril bilang hakbang para masugpo ang pagkalat ng sakit, na nagmula sa Wuhan City ng China.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.