Tips para sa biyahero: pag-iingat laban sa kawatan

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 08:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinag-iingat ng pulisya ang mga biyahero sa Semana Santa laban sa mga kawatan na maaaring umatake sa mga pampublikong lugar.

Pinayuhan ni Police Maj. Bryan Gregorio, criminologist sa Philippine National Police (PNP) Public Information Office, ang mga biyahero na huwag magsuot ng mga mamahaling alahas, at bantayang maigi ang mga dalang gamit kapag nasa labas.

"Kapag ganyan maraming tao, maraming nananamantala. See to it na ang ating attention is naka-focus sa ating gamit, sa ating valuables, huwag tayo, ika nga, maging pabaya sa ating mga gamit," ani Gregorio.

Hindi rin dapat malingat ang pagbabantay sa mga batang kasama.

Dapat ay may dala parati umanong mga contact information ang mga bata at turuan sila kung ano ang gagawin sakaling magkahiwalay dahil sa dami ng tao.

Kung magdadala ng sariling sasakyan, alalahanin umano ang BLOWBAGETS o brakes, light, oil, water, batteries, air, gas, engine o makina, tires o gulong, at self o sarili. 

Dalhin din umano ang mga mahahalagang dokumento ng sasakyan sakaling hingin sa mga checkpoint ng PNP. 

--Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.