Ilang kawani ng BI na inireklamo ng pangingikil, pinasusupinde ng DOJ

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 01:25 AM

MAYNILA - Pinasususpinde ng Department of Justice (DOJ) sa loob ng 90 araw ang ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nangikil umano ng P9.2 milyon mula sa 15 Korean national.

Ipinag-utos ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos suriin ang mga sinumpaang pahayag ng mga nabiktimang Koreano.

Binigyan din ng 72 oras ang mga ito na sagutin ang akusasyon.

Sa pahayag ng mga biktima, Marso 6 nang hulihin sila ng mga BI agents. Napilitan umano silang magbigay ng pera matapos takuting ikukulong.

Pinag-aaralan na rin ng DOJ ang mga kaukulang aksyon laban sa mga job order contractor na sangkot din umano sa isinagawang extortion. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.