Magsasaka patay matapos mabaril ng umaawat na barangay peacekeeper sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2020 12:45 AM

Patay ang isang magsasaka matapos mabaril ng isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na umaawat sa alitan sa Purok 4, Barangay Caningay sa bayan ng Candoni sa Negros Occidental Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinugod ni Claudio Navarro si Antonip Lopez na naghuhukay ng balon sa isang bahay sa lugar.

Dagdag pa ng pulisya, may alitan si Navarro at Lopez.

Nang makita ng pamangkin ni Lopez na si Raymark Canete na parating si Navarro, hinarang niya ito kung kaya't nabaril si Canete sa baywang.

Pumagitna sa away ang BPAT member at naagaw niya ang baril ni Navarro.

Pero dahil may bitbit din na itak si Navarro, tinangka umano nitong tagain ang BPAT member na gumanti naman ng putok. Tinamaan ng bala sa leeg at mukha si Navarro na ikinamatay nito.

Kasalukuyang nakakulong sa Candoni Police Station ang BPAT member na suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.