COVID-19 targeted testing sa Valenzuela sisimulan sa Sabado

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2020 06:28 PM | Updated as of Apr 08 2020 09:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sisimulan na sa Sabado, Abril 11, ang pagsasagawa ng coronavirus disease (COVID-19) test para sa mga frontliner, overseas Filipino worker, at hinihinalang nahawahan ng naturang sakit sa Valenzuela, ayon kay Mayor Rex Gatchalian.

Sa kaniyang social media account, sinabi ngayong Miyerkoles ni Gatchalian na isasagawa ng lokal na pamahalaan ang test katuwang ang The Medical City.

Libre ang test para sa mga residente ng Valenzuela na frontliner, OFW, at persons under monitoring o investigation, ayon kay Gatchalian.

Nitong Miyerkoles, umabot na sa 3,870 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong Pilipinas, ayon sa tala ng Department of Health.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.