Criminology student patay sa pamamaril sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2019 04:43 PM | Updated as of Apr 08 2019 07:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Napatay tanghali ng Linggo ang isang criminology student sa Pasay City matapos barilin ng kapatid ng kaniyang nakaalitan, ayon sa pulisya.

Nakuhanan ng closed-circuit television (CCTV) camera sa isang eskinita sa Barangay 184 ang pagpatay sa 23 anyos na si John Ray Tolentino.

Kasama ni Tolentino ang isang kaibigan nang sumulpot sa kaniyang likuran ang isang lalaking bumaril sa kaniya, base sa kuha ng CCTV camera.

Kinilala ang suspek bilang si Toto Marcelino, na kapatid ng dating binugbog ni Tolentino, ayon kay Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office.

Gumanti ang suspek sa pambubugbog ni Tolentino sa kaniyang kapatid, ayon kay Eleazar.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.