Ama patay sa pag-araro ng tanker sa bahay sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2019 01:13 PM

BULA, Camarines Sur — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kaniyang misis at 5 anak matapos araruhin ng tanker truck ang kanilang bahay sa Barangay Pawili sa bayang ito, madaling araw ng Lunes.

Nag-overtake ang driver ng truck — na naglalaman ng mantika — sa highway sa Sitio Banasi, ayon sa pulisya.

Ipinaliwanag naman ng driver na iniwasan niya ang kasalubong na kotse, dahilan para mabangga niya ang bahay ng mga biktima sa tabi ng highway.

Napatay ang padre de pamilya matapos madaganan ng gulong.

Kakasuhan ang driver ng reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries, at damages to property.

Mahaharap naman sa kasong robbery ang mga nahuli ng pulisya na residente na kumuha ng mantika mula sa tumagas ng tank truck.

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.