Vintage bomb natagpuan sa Manila Bay

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2019 04:34 PM

Kuha ng Manila Bay Task Force

MAYNILA - Natagpuan ang isang vintage bomb habang nagsasagawa ng dredging operation sa Manila Bay nitong Sabado.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nadiskubre ang vintage bomb kasama ang mga basurang hinuhukay sa dredging operation.

Agad namang ipinagbigay alam ang pagkakadiskubre ng vintage bomb sa MPD Explosives and Ordnance Division (EOD) na kinilala ang bomba na isang 81mm illuminating round.

Nasa pangangalaga na ng EOD ang bomba para sa isasagawang disposal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.