Higit P600,000 halaga ng shabu nakumpiska sa 2 buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2020 09:10 PM

MAYNILA — Tinatayang nasa higit P600,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa 2 buy-bust operation na isinagawa nila sa Quezon City.

Unang naaresto ang 4 na drug suspect, kabilang ang isang TNVS driver, sa buy bust operation sa Valenzuela City noong Sabado.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakipagtransaksyon ang poseur buyer sa mga suspek at doon nakumpiska ang P408,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa isa pang operasyon sa Caloocan City, natimbog naman ang 3 suspek at nakuhanan sila ng P258,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.