Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, pumalo sa 30

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2020 05:51 AM

Umabot na sa 30 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Western Visayas matapos magtala ng 5 bagong kaso nitong Biyernes.

Mula sa Bacolod City ang isang 48-anyos na lalaking pinangalanang WV 26. May travel history siya sa Los Angeles, USA at Manila at may close contact kay WV 14. Mayroon siyang hypertension, polymyositis, nakakaranas din siya ng dry cough ngunit siya ay nasa stable condition na.

Pawang local transmission naman ang naranasan nina WV 27 hanggang WV 30 mula sa Lambunao, Iloilo dahil magkakamag-anak ang mga ito ni WV 16. Ang kanilang mga edad ay 39,41, 70 at 48. Kasalukuyan din silang naka-home quarantine. 

Nakapagtala na ang Department of Health ng 3,018 kaso sa buong bansa kung saan 136 na ang namatay at 52 na ang gumaling.- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.