Suspek sa panggagahasa sa pinsan, arestado sa Las Piñas

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2019 01:41 AM

MAYNILA - Matapos ang halos 17 taong pagtatago, naaresto na sa Las Piñas ang lalaking gumahasa umano sa pinsan nito sa Ilocos Norte.

Kinilala ang suspek na si Abian Lindon, 33, na itinurong gumahasa sa pinsan nito sa Pagudpud, Ilocos Norte noong 2002.

Ayon sa National Capital Region Police Office, agad silang nagsagawa ng operasyon matapos makatanggap ng impormayon na sa Las Pinas City nagtatago ang suspek.

Nang magpositibo, agad dinakip si Lindon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Bangui, Ilocos Norte Regional Trial Court.

Nakatakdang iturnover si Lindon sa kustodiya ng Ilocos Norte Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.