Truck driver patay sa pananambang sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 05:07 PM

Patay ang isang lalaking truck driver matapos tambangan ng mga armadong tao sa bayan ng Toboso, Negros Occidental noong Huwebes.

Nagmamaneho ng truck na may kargang tubo si Jonar Alibutdan, 38, nang pahintuin ng nasa 8 armadong tao sa may Sitio Winaswasan, Barangay Bandila, ayon sa Toboso police.

Ayon kay Toboso police chief Capt. Ellendie Rebusquillo, pinababa sa truck si Alibutdan at kaniyang helper, at pinakatakas ang helper bago binaril ang biktima.

Isang bala ng hindi pa nalalamang kalibre ng armas na narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen. Isa umano sa mga tinitingnang anggulo ay away sa lupa.

-- Ulat ni Mitch Lipa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.