Mga lumabag sa curfew sa Negros Occidental, inilagay sa gym na may kabaong

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 01:36 AM

Kuha ni Jack Gallardo

Inilagay ang mga nahuling lumalabag sa curfew sa Sagay City, Negros Occidental sa isang gym na may kabaong. 

Nakaupo at nagdarasal sila sa harap ng isang kabaong, na paraan ng inter-agency task force ng siyudad para mabigyang diin na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay isang nakamamatay na sakit kaya dapat lamang silang manatili sa kanilang mga bahay.

Inatasan na ang mga barangay tanod na mahigpit na ipatupad ang curfew at dalhin sa barangay gym ang mga lalabag.-Ulat ni Mitch Lipa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.