Ilang taga-Davao City tumulong sa paggawa ng aerosol boxes ng COVID-19 frontliners

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2020 12:44 PM | Updated as of Apr 02 2020 05:15 PM

Sampung aerosol boxes ang nagawa para sa unang batch, anim nito ay binigay na nila sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, 3 sa Davao Oriental Provincial Hospital at isa sa Mlang District Hospital. Photo Courtesy: Vivienne Ancheta

DAVAO CITY - Nagsanib-puwersa ang ilang pribadong indibidwal sa siyudad na ito para makabuo ng aerosol boxes - na kinakailangan ng health frontliners para mag-intubate ng mga COVID-19 patients na hirap huminga. 

Ang mag-asawang Neil at Vivienne Ancheta, namili ng mga acrylic sheets sa pamamagitan ng kanilang grupong Rotary District 3860. Sinagot anila ito ng governor-elect ng grupo na si Rizel Reyes. 

Libre ring pinagamit ng mag-asawang negosyante na sina Donald at Carl Lee ang kanilang mga kagamitan para mabuo ang mga nasabing box.

Ayon kay Vivienne, kahit nasa bahay lang ay pwedeng tumulong online sa mga nangangailangan.

"We’re all in this together. Best effort just to stay at home and for everyone who wants to help via food or whatever it is you can do, it's always on line and if there is anything that to be transported... we can always ask for the assistance of the government," ayon kay Vivienne. 

Sampung aerosol boxes ang kanilang nagawa para sa unang batch, anim nito ay binigay na nila sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, 3 sa Davao Oriental Provincial Hospital at isa sa Mlang District Hospital.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap na Ospital sa mga natanggap nila na aerosol box.

Nanawagan sila sa mga nais magdonate ng mga acrylic sheets para magawa ang mga aerosol box.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.