TeleKonsulta, inilunsad sa isang ospital sa Cagayan de Oro City

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 08:03 PM

CAGAYAN DE ORO CITY - Inilunsad ng Northern Mindanao Medical Center ang TeleKonsulta kung saan maaring komunsulta sa mga doktor sa pagtawag lang sa cellphone.

May nakalaan silang hotline para sa Internal Medicine, Pediatrics, Surgery at Obstetrics and Gynecology.

Paraan ito ng ospital para mabawasan ang pumupuntang pasyente, lalo na at ito ang referral hospital para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Northern Mindanao.

Direktang sasagot sa hotline ang mga doktor na aminadong malaking hamon ito sa kanila, lalo’t mas mabuti sana kung personal ang gagawing check-up. Pero gagawin daw nila ang kanilang makakaya para matulungan ang mga pasyente, lalo na sa minor cases.

Maaari rin silang makapagreseta sa pamamagitan ng pag-picture dito o text na may kasamang numero ng doktor na maaring tawagan ng mga botika.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.