Balyena natagpuang patay sa Davao City

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2019 12:48 AM

DAVAO CITY - Wala ng buhay nang matagpuan ang isang balyena sa baybayin ng Calderon Seaside Kilometer 22, Budbud Bunawan, Davao City, Linggo ng hapon.

Ayon sa mga nakakita, lumulutang na lamang ito bahagya papunta sa baybayin.

May nakita ring mga sugat sa katawan ng balyena.

"Pag-aksyon na og taob amo nang giguyod kay niingon man tong mokoutay nga moaksyon na og baho amo ng guyuron," ani Jerson Hinay.

(Nang tumaob ang balyena, dali-dali naming hinila baka mangamoy ito.)

Ayon kay Darrel Blatchley ng D'Bone Collector Museum, posibleng biktima ng dynamite fishing ang nasabing balyena base na rin sa mga sugat na nakita sa katawan nito.

Wala rin umanong nakitang mga basura sa loob mg tiyan ng balyena na unang hinalang dahilan ng ikinamatay nito.

Kinondena naman ito ng animal welfare advocate.

Nasa 10.4 feet ang sukat ng female pygmy sperm whale

Ito na ang ika-anim na balyenang natagpuang patay ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.