Pulis sugatan matapos barilin ng mga lalaking sisitahin lang dahil sa curfew

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2020 04:58 PM

Sugatan ang isang pulis sa Datu Paglas, Maguindanao matapos siyang barilin ng hindi pa matukoy na mga salarin na sisitahin lang dahil sa paglabag sa curfew, na ipinatutupad bilang hakbang kontra pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinilala ang nasugatang pulis na si Corp. Yhamier Sablana, na tinamaan ng bala sa kanang balikat.

Batay sa ulat, sisitahin sana ni Sablana ang 3 lalaking lumabag sa curfew sa Barangay Damawato pero bigla na lang daw siyang binaril.

Tinamaan din ng bala ang police car na gamit ni Sablana.

Bigo naman ang mga pulis na mahuli ang 3 lalaki na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. 


—Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.