Bilang ng COVID-19 cases sa Pinas umakyat sa 2,084

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2020 05:49 PM | Updated as of Mar 31 2020 06:17 PM

Lumobo na sa higit 2,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas, matapos maitala ng Department of Health ang nasa 500 kaso sa bansa. 

Ito sa ngayon ang pinakamaraming dagdag-kaso na naitala sa loob ng isang araw. 

Sa huling tala ng Department of Health, nasa 2,084 na ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas, kung saan 538 dito ang bagong naitalang kaso. 

Pumalo na sa 88 ang binawian ng buhay dahil sa sakit matapos makapagtala ng 10 bagong pagkamatay habang 7 ang nadagdag sa mga gumaling para sa kabuuan na 49. 

Nagpatupad ang gobyerno ng lockdown sa buong Luzon, kung saan hinihikayat ang publiko na manatili sa loob ng kanilang mga bahay, para maiwasan ang hawahan ng sakit.

Nasa 693,000 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, habang nasa 33,000 ang namatay sa nasabing sakit, ayon sa World Health Organization (WHO). 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.