Mag-live-in partner arestado sa pagnanakaw sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 07:56 PM

Naaresto nitong hapon ng Linggo sa Pasay City ang mag-live-in partner matapos umanong magnakaw sa department store ng isang mall, ayon sa pulisya.

Pumasok ang 2 suspek sa department store at bumili ng eco bag sa halagang P50, ayon kay Police Captain Romel Bulan.

Nag-ikot sa department store ang mga suspek at kinuha ang 8 item kasama ang mga branded na damit, short at underwear, ayon kay Bulan.

Hindi umano alam ng mga suspek na sinusundan na pala sila ng security personnel ng mall.

Hindi itinanggi ng mga suspek ang pagnanakaw.

Desidido ang pamumunuan ng mall na kasuhan ng qualified theft ang mga suspek, ayon kay Bulan.

Aabot sa higit P5,000 ang halaga na ipinuslit ng dalawa.

--Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.