Binatilyo, 15, nalunod sa Tarlac

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2018 01:02 AM | Updated as of Apr 01 2018 05:34 PM

SAN CLEMENTE, Tarlac—Patay ang 15-anyos na lalaki matapos malunod sa Canding Falls dito Biyernes Santo.

Sinubukan pang iligtas ang biktima ngunit idineklara agad siyang dead on arrival sa ospital.

Kuwento ng ina ng binata na si Myrna, hindi umano nagpaalam ang anak na sasama sa mga nag-ayang kaibigan papunta ng San Clemente.

Nalaman na lang daw niya ang sinapit ng anak matapos makatanggap ng tawag mula sa ospital.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na tumalon ang biktima at hindi na lumutang mula sa tubig.

Dito na umano humingi ng tulong ang mga kasamahan ng 15-anyos ngunit huli na ang lahat.

Hiling naman ng ina ng biktima ang dagdag na seguridad sa naturang paliguan upang hindi na maulit ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.