Nanguna ang ilang mga estudyante kasama ang mga environmental advocates sa pagpulot ng mga basura sa Bacolod City bilang pakikiisa sa Earth Hour.
BACOLOD CITY – Nagsama-sama ang ilang mga estudyante, mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines at environmental advocates para mamulot ng basura bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour, Sabado.
Halos lahat ng mga lumahok ay may dala-dalang sako na lalagyan ng kanilang mapupulot na mga basura.
Ang programang ito ay tinawag na SWEEP Walk o Sea Waste Education to Eradicate Plastic.
Layunin nito ang malagay ang mga plastic na basura sa wastong lalagyan para hindi na ito umabot pa sa dagat at magdulot ng masamang epekto sa marine life.
Isinagawa din ang SWEEP Walk bilang pagdiriwang ng Earth Hour na mangyayari 8:30 ng gabi Sabado.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Earth Hour, environment, Tagalog news, Regional news, Bacolod City, SWEEP walk, cleanup, garbage, plastic