Lalaking iniuugnay sa ilegal na droga patay nang manlaban umano sa Talisay

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2019 09:34 AM

Isang high-value target umano ang nanlaban at napatay sa Talisay City. Donna Lavares, ABS-CBN News


TALISAY CITY - Patay ang isang high-value target na iniuugnay sa ilegal na droga matapos umano manlaban nang maghain ng search warrant ang pulisya sa Barangay Mojon dito, Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, unang nagpaputok ang subject na si Eric Salonoy, alyas Budlong, sa mga operatiba na magsisilbi ng search warrant sa kaniyang bahay kaya’t nabaril din siya.

Nag-ooperate umano si Budlong ng kaniyang ilegal na negosyo sa mga barangay sa siyudad.

Nakakuha ng mga baril at mga sachet ng hinihinalang shabu ang mga operatiba sa bahay ng target.

Inaalam pa ngayon ng awtoridad kung sino ang source ng shabu ni Budlong.

Dagdag ng awtoridad na mayroon na silang mga pangalang may kaugnayan umano sa ilegal na kalakaran ng target at ito ay patuloy nilang mino-monitor.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.