Dalagita natagpuang tadtad ng saksak, putol ang paa

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 02:43 PM

Natagpuang patay nitong Martes ang isang 13 anyos na dalagita sa magubat na bahagi ng Barangay Upper Semba sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. 

Ayon sa pulisya, tadtad ng taga ang ulo at katawan at inaagnas na ang bangkay ng biktima. Putol din ang dalawang paa nito.

Natagpuan ang dalagita ilang metro lang ang layo sa bahay ng kaniyang tiyuhin na nag-aalaga sa kaniya. 

Ini-report ng mga kamag-anak ng biktima sa barangay na nawawala ang dalagita noon pang Marso 20. 

Agad umanong tumakas ang pamilya ng tinitirhan ng dalagita nang matagpuan ang bangkay nito.

-- Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.