Himpilan ng pulisya sa Northern Samar, nilusob

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 08:58 AM

VICTORIA, Northern Samar – Nilusob ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang himpilan ng Victoria Municipal Police Station, madaling araw ng Huwebes.

Base sa impormasyon mula sa pulisya, nagpapatuloy pa ang bakbakan sa panig ng pwersa ng pamahalaan at may tinatayang 50 rebeldeng NPA.

Dagdag sa impormasyong mula sa awtoridad, 3 na ang nasawi sa panig ng mga rebelde.

Isinailalim na sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya sa Eastern Visayas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.