Higit 1,000 trabaho sa Saudi alok sa Davao job fair

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 09:45 AM

DAVAO CITY – Dinaluhan ng mga Dabawenyo ang isinagawang special recruitment ng 2 ahensiya na nag-aalok ng iba’t ibang trabaho sa mahigit 1,000 trabaho sa Saudi Arabia.

Isinasagawa ang special recruitment ng Public Employment Service Office sa Davao City.

Kabilang dito ang tinatayong pinakamalaking mall sa Saudi, na naghahanap ng mga merchandiser, cleaner, service crew at iba pa.

Inaalok din ang mga trabaho para sa mga nais mag-apply bilang nars, dental assistant, saleslady, farm technician, engineers at laboratory technician.

Libre ang matitirhan, transportasyon at medical insurance. Magkakaroon din ng 42 araw na vacation leave para sa mga gustong magpa-renew ng kanilang kontrata. 

Ang matatanggap na aplikante, ay libre na sa kanilang matitirhan, transportasyon, medical insurance at 42 days na vacation leave para sa gusto pang magpa-renew ng kanilang kontrata.

"Meron tayong regular employers na nangangailangan ng employees na kailangan ng serbisyo ng ating Filipino workers na able maka trabaho abroad," Victoria Susana, branch manager ng YHMD Hiring Agency. 

Magtatagal hanggang Huwebes ang job fair. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.