64 rebeldeng NPA, sumuko sa Surigao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2019 02:02 AM

LANUZA, Surigao del Sur - Sumuko sa mga militar Lunes ng umaga ang 64 na miyembro ng New People's Army (NPA) sa bayan ng Lanuza, Surigao del Sur.

Ayon kay 1st Lt. Jonald Romorosa, civil military operations officer ng 36th Infantry Battalion, bunga ito ng community support program ng militar, gaya ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). 

"Nabigyan sila ng benefits sa gobyerno... Nagco-conduct po tayo ng mga TESDA training sa kanila,” aniya.

Nangyari ang pagsuko bago ang ika-50 anibersaryo ng NPA ngayong Marso 29.

Ang Sitio Ibuan sa Barangay Mampi ay itinuturing na stronghold ng NPA sa Northeastern Mindanao, lalo na sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Isasailalim sa validation ang mga sumuko para sa enrolment sa E-CLIP. - Ulat ni Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.