Chinese national, patay matapos umanong mahulog sa condo sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2018 03:32 AM

Patay ang isang Chinese national matapos umanong mahulog sa ika-16 na palapag ng isang condominium building sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Jianfu Chen, 29 anyos.

Ayon kay SPO1 Lido Pinos ng Lapu-Lapu City police, natagpuan Lunes ng madaling-araw ang katawan ng biktima sa ika-5 palapag ng gusali.

Bago nangyari ang insidente, nakipag-inuman umano si Chen sa 5 nitong kaibigang Chinese sa loob ng kaniyang nirerentahang condo.

Pero pumasok umano ang biktima sa kaniyang kuwarto matapos ang inuman, kuwento ng mga kaibigan ni Chen sa pulisya.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung may foul play sa insidente. - ulat ni Rhea Soco, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.