4 arestado sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 11:11 AM

Aabot sa higit 500 bote ng 500 ml alcohol ang nakumpiska ng pulisya. Photo Courtesy: Southern Police District

MAYNILA - Arestado ang 4 na katao sa pag-hoard at pagbebenta ng alcohol presyong lagpas sa suggested retail price (SRP) sa Pasay City noong Miyerkoles. 

Isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng ulat ang Pasay City police sa umano’y pananamantala. 

Sinalakay ang bentahan ng mga suspek sa Park Avenue, Barangay 88 at dito nadiskubre ang mga kahon na may higit 500 bote ng alcohol. 

Sa halagang P185 ibinebenta ang alkohol. Pero P74 kada bote lang dapat ito alinsunod sa SRP ng Department of Trade and Industry. 

Kinumpiska ang mga ibinebenta nilang alcohol at dinala ang apat sa presinto.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.