Gusali ng paaralan nasunog sa Compostela Valley

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2019 04:03 PM

Natupok ang gusali ng isang paaralan sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley Linggo ng gabi, ayon sa mga awtoridad.

Aabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian. Kabilang naman sa mga naabo sa sunog ang faculty room, library, computer room at principal's office.

Problema sa electrical wiring sa may faculty room ang sanhi ng sunog, na nagsimula alas-6 ng gabi at naapula makalipas ang 30 minuto, ayon kay Senior Fire Officer 4 Joseph Crucio.

Kumbinsido ang bantay ng paaralan at ilang residente sa lugar na sinadya ang sunog.

"'Di talaga 'yon kuryente, sa tinagal-tagal ko na dito," anang bantay na si Bernie Belogolo.

Patuloy na iniimbestigahan ang sunog.

-- Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.