Pinoy na gumaling sa COVID-19 idinetalye kung paano nalampasan ang sakit

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 08:22 PM | Updated as of Mar 24 2020 10:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sa 20 indibidwal sa Pilipinas na gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), isa rito ang 48 anyos na si Carlo Navarro, na siyang unang Pinoy na nagpositibo sa sakit.

Ibinahagi ni Navarro sa ABS-CBN News ang kaniyang karanasan sa sakit, mula sa mga sintomas nito hanggang sa kung papaano niya ito nilabanan. 

Sabi ni Navarro, 7 araw matapos makauwi ng Pilipinas mula Japan nang una siyang nakaramdam ng sama ng katawan, kakaibang panlalamig, at tuyong pag-ubo.

"I was chilling and I was coughing, the dry cough was really bad and indicated to me that I may have gotten the virus... I didn't have a high fever... No sore throat for me," aniya. 
 
Agad dumiretso sa St. Luke's si Navarro kung saan kinagabihan, lumabas siyang positive sa coronavirus test. 

Marso 4, inilipat siya ng Department of Health sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para doon i-isolate.

Matapos ang 5 araw sa RITM, doon na umano natakot si Navarro.

"They tested me and said pneumonia was beginning to develop... I started hearing wailing sounds of people early in the morning, I would hear somebody cry, that's when my fears started, it seems maraming taong namamatay," sabi niya. 

Matapos ang 8 araw na confinement sa RITM, nakahanap ang kaanak ni Navarro ng ibang pagamutan kung saan maaari siyang ilipat. 

"My sister-in-law... found a private hospital who will take me in, kasi RITM was getting full, an old person needed a room."

Matapos mabigyan ng iba't ibang gamot at partikular na medical attention, nagsimulang humupa ang sintomas ng pasyente.

Sa kaniyang ika-15 araw, na-discharge si Navarro at sinabing mag-self isolate sa loob nang 2 linggo habang hinihintay ang confirmatory test para masigurong negatibo na siya sa virus.

Tinatapos na ngayon ni Navarro ang kaniyang quarantine.

Dahil sa karanasan, may panawagan siya para sa RITM.

"Kailangan nating magdala ng doktor at nurses sa RITM, maraming hindi nakakatulog, hindi sila nakakauwi," payo ni Navarro sa pamahalaan. 

Nitong Martes, nasa 552 na ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, 35 dito ang nasawi, at 20 ang naka-recover. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.