Mga spa na umano'y may 'extra service' ni-raid sa Las Piñas

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2019 08:05 AM | Updated as of Mar 24 2019 07:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Sinugod ng mga pulis ang dalawang spa sa Alabang Zapote road na bukod sa masahe ay nagbibigay din umano ng "extra service."

Ayon kay Police Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas police, ikinasa nila ang raid matapos makatanggap ng tip ukol sa mga spa na nag-aalok umano ng sex kapalit ng mas mataas na bayad. 

Inaresto ang 14 empleyado ng dalawang spa, kabilang ang 7 lalaking masahista at 5 babaeng masahista. Pati ang isang receptionist na siyam na buwang buntis ay hinuli din. 

Pero ayon sa manager ng isa sa mga spa, walang extra service na nangyayari sa spa nila. 

"Normal na paliliguan ang kliyente namin kasi body wash yun. Wala kami serbis gaya ng ibang spa na all the way," ani Dave Awingan, manager ng isa sa mga spa, 

Kakasuhan ang mga inaresto ng paglabag sa batas ukol sa prostitusyon. 

Napag-alaman din na walang mga health certificate ang mga masahista at walang business permit ang isang spa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.