Lolo, nakuhanan ng mga di lisensiyadong baril sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 05:13 AM

MAYNILA - Arestado ang isang lolo nang makuhanan ng mga hindi lisensiyadong baril sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon sa paunang ulat ng Valenzuela City police, nilusob ng mga pulis ang bahay ng 74 anyos na suspek sa pamamagitan ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela City Regional Trial Court.

Narekober sa bahay ng suspek ang isang 9mm na baril, isang shotgun, at mga bala. Nang hanapan siya ng kaukulang dokumento, wala itong maipakita sa mga pulis.

Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.