3 pulis na idinawit sa pagpatay sa anak ng alkalde, kinasuhan na

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 04:45 PM

TAYABAS CITY, Quezon – Sinampahan na ng kasong pagpatay ang tatlong pulis na idinawit sa pagkamatay ng dalawang lalaki, kabilang ang anak ng alkalde ng Sariaya.

Two counts of murder ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) Quezon laban kina Police Lt Col. Mark Joseph Laygo, Police Cpl. Loland Sumalpong, at Patrolman Robert Legaspi.

Nakabase ang isinampang kaso sa mga salaysay na ibinigay ng mga pulis-Tayabas sa NBI-Quezon noong Lunes kaugnay sa insidenteng naganap noong Marso 14 na ikinamatay nina Christopher Manalo at Christian Gayeta, anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.

Binigyan naman ng prosekyusyon ng limang araw para magsumite ng counter affidavit ang tatlong na sumuko sa Calabarzon Police noong Biyernes.

Mananatili rin sila sa restrictive custody ng Quezon Police Provincial Office.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.