3 pulis-Quezon na iniuugnay sa umano'y scripted na operasyon, sumuko

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2019 02:08 PM

MAYNILA - Hawak na ng Calabarzon Police ang nasibak na hepe ng Tayabas City Police at dalawa pang pulis na nasa likod umano ng scripted na police operation na ikinasawi ng anak ng mayor ng bayan ng Sariaya, Quezon at isa pa noong Marso 14.

Alas-10 ng umaga ng Biyernes nang sumuko si Lt. Col. Mark Laygo at dalawang iba pang sa Regional Special Operations Group sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna.

Nakatakdang dalhin sila sa Quezon Police headquarters sa Camp General Nakar sa Lucena City.

Nauna nang nagbigay ng pahayag sa National Bureau of Investigation (NBI) Quezon ang tatlong pulis Tayabas at inamin na scripted lamang ang nangyaring engkuwentro na ikinasawi ng mag-kaangkas na sakay ng motorsiklo na sina Christopher Manalo at Christian Gayeta, anak ni mayor Marcelo Gayeta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.