Bakit hindi mabuti ang 'fake news'?

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2018 08:25 PM | Updated as of Feb 05 2020 05:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May delikadong epekto sa lipunan ang mga balitang hindi makatotohanan o 'fake news,' ayon sa isang abogado.

"Kasi kadalasan, 'yung balita, maaaring diyan nakasalalay ang buhay, kalusugan, kapayapaan, at kaayusan sa lipunan," sinabi ni Atty. Noel del Prado sa programang 'Usapang de Campanilla' sa DZMM.

May epekto rin aniya ang maling pagbabalita sa relasyon ng mga mamamayan sa isa't-isa, at relasyon nito sa pamahalaan.

Tinalakay din sa programa ang panukalang batas ni Senador Grace Poe na naglalayong labanan ang 'fake news.'

Base sa panukala, dapat umano ay sumunod sa mas mataas na pamantayan ang mga opisyal ng gobyerno sa paglalahad ng impormasyon.

Maaari maharap sa 6 hanggang 12 na taong parusa ang mga lalabag sa panukala, ayon kay Del Prado.

Ngunit nilinaw ni Del Prado na panukala pa lamang ito, at may mga tutol din umano rito.

"Sinasabi din ng iba, hindi sila sang-ayon sa pagre-regulate ng news, ibig sabihin, panghihimasok sa kalayaan ng pamamayahag," ani Del Prado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.