'Holdaper', patay matapos makipagbarilan sa pulis sa Bulacan

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 07:54 AM | Updated as of Dec 10 2018 02:58 PM

Patay sa engkuwentro ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng motorsiklo sa Sta. Maria, Bulacan Miyerkoles ng hatinggabi.

Inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Ayon kay SPO1 Jason Taniza ng Sta. Maria police, tinangay ng holdaper ang isang motorsiklo matapos mangholdap sa Barangay Caysio.

Ikinasa ang follow-up operation matapos ireport ng biktima sa pulisya ang insidente.

Namataan ang holdaper sa Barangay Caypombo na nauwi sa habulan.

Nakorner ang holdaper sa Barangay Pulong Buhangin at nakipagbarilan sa mga pulis.

Narekober sa kaniya ang isang kalibre .45 na baril, 10 sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Pinaghahanap na rin ng pulisya ang isa pang kasamahan ng holdaper matapos itong makatakas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.