2 PDEA agent sugatan sa drug-bust sa Pasay

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 11:45 AM | Updated as of Mar 20 2019 09:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Dalawang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasugatan matapos na mauwi sa barilan ang ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, Miyerkoles ng umaga.

Isinugod agad sa San Juan de Dios Hospital ang dalawang hindi pinangalanan na PDEA agents.

Ayon sa ulat, sugatan din umano ang subject ng naturang operasyon.

Nakatunog umano ang subject na PDEA agents ang kaniyang katransaksiyon kaya't nagkaroon ng barilan. -- May ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.