2 magnanakaw, balik kulungan sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 09:02 AM | Updated as of Mar 20 2019 10:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Timbog ang 2 lalaki na nagnakaw umano ng cellphone sa isang bus terminal sa Sampaloc, Maynila, Martes. 

Nakita sa CCTV na sinira ng isang suspek ang lock ng gate ng terminal upang kunin ang cellphone ng isang natutulog na lalaki, sabi ni Chief Inspector Edwin Fuggan, Commander ng Lacson Police Community Precinct. 

Natiyempuhan na nakita ulit ang suspek sa parehong terminal at namukhaan siya ng mga pulis kaya't inaresto na siya agad, ani Lacson.

Itinuro naman ng suspek sa mga awtoridad ang isang kasamahan kaya't nahuli rin ito ng mga pulis.

Napag-alaman na dati nang nahuli ang 2 suspek sa kaso rin ng pagnanakaw noong mga menor de edad pa sila.

Miyembro rin umano ng akyat-bahay gang ang mga nahuli base sa online group chat ng mga suspek. 

Hihananap na ng pulis ang iba pang kasabuwat ng mga suspek. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.