Ilang bahagi ng Lapu-lapu City, walang kuryente dahil sa sunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 04:58 PM

Photo by Edgar Escalante, ABS-CBN News

LAPU-LAPU CITY - Ilang bahagi ng lungsod ang nawalan ng kuryente matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Basak, Martes.

Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng supply ang lugar dahil apektado rin ng sunog ang mga poste at sub-transmission lines ng Mactan Electric Company.

Patuloy pang iniimbesitgahan ang sanhi ng sunog.

Photo by Edgar Escalante, ABS-CBN News

Inaalam pa ng mga kawani ng pamahalaan kung ilang bahay ang natupok ng apoy at magkano ang halaga ng mga ari-arian ang nasira dahil sa insidente.

- ulat mula kay Edgar Escalante, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.