'Pinakamaraming bakanteng trabaho: IT, sales'

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2019 09:22 PM | Updated as of Mar 22 2019 12:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mga posisyon sa IT-business process management at sales ang may pinakamaraming job vacancies na maaaring pag-apply-an ng mga magsisipagtapos ngayong Marso at Abril. 

Ayon sa government job portal na Philjobnet, ang mga posisyong ito ang may pinakamaraming job vacancies sa ngayon, na kinabibilangan ng industriya ng IT-business process management at sales: 

  • Call center agent
  • Customer service assistant
  • Salesperson
  • Cashier
  • Sales clerk
  • Junior supervisor (Management trainee)
  • Service crew
  • Staff nurse
  • Security guard
  • Domestic helper

Ipinayo ng Bureau of Labor and Employment (BLE) na alamin kung mayroong internship opportunities ang mga kompanyang a-apply-an. 

"Ito naman po ay paraan din para malaman ng mga potential employers natin na tayo ang tamang tao para doon sa trabahong ino-offer po sa atin," ani BLE Director Dominique Tutay. 

Dapat din daw siguraduhin na i-highlight lahat ng training na nakuha at mga job experience kung naging working student. 

Importante rin aniyang maglagay ng malinaw na career objective na nagsasaad kung bakit ka nag-a-apply sa isang posisyon at kung ano ang maiaambag sa kompanyang a-apply-an. 

Mahalaga rin daw ang pagpapakita ng positibong work attitude sa job interview dahil mahalaga rin daw kung paano sosolusyonan ng employee ang haharaping mga sitwasyon. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.